December 13, 2025

Home BALITA National

Lone bettor na minsan na ring nagduda sa lotto, kumubra ng ₱21.7 milyong premyo

Lone bettor na minsan na ring nagduda sa lotto, kumubra ng ₱21.7 milyong premyo
(PCSO WEBSITE)

Minsan na rin daw nagduda sa lotto ang nag-iisang lucky winner ng mahigit ₱21.7 milyong lotto jackpot prize mula sa Quezon City. 

Ayon sa PCSO, napanalunan ng lucky winner ang ₱21,749,042.20 Mega Lotto 6/45 jackpot prize noong Hunyo 4 at kinubra noong Hunyo 9. 

Nahulaan ng lucky winner ang winning combination na 42-28-04-29-10-30. Nabili naman ang winning ticket sa Project 7 sa Quezon City. 

Sa panayam ng PCSO sa lalaking nanalo, 27 taon na raw itong tumataya sa lotto kung kaya't napapatanong siya kung may nananalo ba talaga. 

National

'Not admission of guilt!' Surigao Del Sur solon, nagbitiw sa bicam committee dahil sa delicadeza

“Matagal na po akong tumataya sa lotto, pero may mga oras po na nagdududa rin ako. Pero kahit anong isipin ko po na negative tuwing hindi po ako pinapatama, ay may nararamdaman pa rin po akong hope kaya patuloy pa rin po akong tumataya. At ito na nga po, totoo po pala talaga,” saad ng lucky winner.

Samantala, gagamitin ng lucky winner ang napanalaunan sa pag-aaral ng kaniyang mga anak at pagnenegosyo. 

Binobola ang Mega Lotto 6/45 tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes.