January 04, 2026

Home FEATURES Kwentong OFW

KILALANIN: Kauna-unahang Pinay na pumasa sa Japanese Licensure Examination for Nurses

KILALANIN: Kauna-unahang Pinay na pumasa sa Japanese Licensure Examination for Nurses
Photo Courtesy: Screenshots from RTVM (YT)

Isa na namang Pinoy Pride moment ang hatid sa Pilipinas ng isang kababayan matapos kilalanin bilang kauna-unahang Pilipinang pumasa sa Japanese Licensure Examination for Nurses.

Sa panayam ng Radio Television Malacañang (RTVM) nitong Sabado, Hunyo 21, ibinahagi ni Katherine Cauilan Sulit ang kuwento sa likod ng kaniyang hindi matatawarang tagumpay.

Ayon kay Katherine, nagsimula raw ang journey niya noong 2010 matapos siyang mapili bilang isa sa mga magagawaran ng pagkakataon para makapagsilbi bilang caregiver at nurse sa Japan sa ilalim ng Japan-Philippines Economic Partnership Agreement (JPEPA). 

“Nag-apply kami sa POEA [Philippine Overseas Employment Agency]. Then after po ng screening at ng mga interviews po, out of 1,000 applicants from all over the Philippines, mga 100 po 'yong nakuha,” lahad ni Katherine.

Kwentong OFW

OFW na may plastic wrap at note ang maleta: 'When you no longer feel safe in your own country!'

Dagdag pa niya, “Do'n sa 100 na 'yon, saktong 2011 na dito sa Japan e nagkaroon ng malaking tsunami; 'yong earthquake do'n sa Eastern Japan.”

Mula sa 100 napili, pumili ulit ng 73 na magsasanay sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng basic Japanese learning and culture sa loob ng dalawang buwan bago tuluyang ipadala sa Japan. 

At maswerte si Katherine dahil kabilang siya sa 73 na iyon.

Samantala, hindi niya itinanggi ang hirap na pinagdaanan niya sa pagkuha ng nasabing examination bagama’t pareho lang naman umano ang laman ng basic nursing sa Pilipinas at Japan.

“Ang naging pinakamahirap talaga do’n is you have to take the exam in Japanese po. Kailangan marunong ka talagang magbasa saka maiintindihan mo,” aniya.

Pero naging posible umano ito dahil sa mga dinaluhan niyang Japanese lesson na ibinibigay ng gobyerno ng Japan limang beses kada taon.

Bukod dito, inalala rin ni Katherine ang motibasyon niya kung bakit nga ba siya pumunta sa Japan para magtrabaho. Malaking bagay din umano na nagkaroon siya ng mga bagong kakilala na naging dahilan para hindi siya mabagot sa buhay.