December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Family tree ni Mowm! Sino-sino miyembro ng 'De Guzman Family' sa PBB?

Family tree ni Mowm! Sino-sino miyembro ng 'De Guzman Family' sa PBB?
Photo courtesy: Screenshot from Pinoy Big Brother (YT)/via CinemaBravo (FB)

Hindi man siya ang Big Winner, nakuha naman daw ni Philippine's Soul Diva at latest evicted Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate na si Klarisse De Guzman ang puso ng taumbayan, dahil paglabas niya ng Bahay ni Kuya, siya na ngayon ang tinatawag na "Nation's Mowm."

KAUGNAY NA BALITA: ShuKla, out na sa Bahay ni Kuya!

Kitang-kita ang kalungkutan at pagbuhos ng emosyon ng mga housemate nang lumabas na nga sila ng ka-duo niyang si Kapuso housemate Shuvee Etrata, kung saan, ramdam na ramdam daw ang pagkawala niya hindi lamang dahil "tagaluto" siya kundi siya ang ate at mother figure sa loob.

KAUGNAY NA BALITA: Pagkawala ni Klarisse sa PBB, ramdam ng housemates dahil sa pagluluto

Tsika at Intriga

AJ Raval, nag-throwback sa pagiging batang ina, may b-day greeting sa panganay niya

Kaya naman, bumuo ng family tree ang isang fan upang ipakita kung sino-sino ang bumubuo ng "De Guzman Family," na ibinahagi naman ng social media page na "CinemaBravo."

Panganay na anak daw ni Mowm Klang si Mika Salamanca, na "hubby" naman daw ni Brent Manalo.

"Twin daughters" naman daw niya sina Esnyr at Shuvee, na naging malapit din sa isa't isa.

At ang bunsong anak daw niya ay si Will Ashley na grabe ang iniiyak nang ma-evict sila ni Shuvee.

KAUGNAY NA BALITA: Bilang 'Mowm' figure sa PBB: Esnyr, Will emosyunal sa paglabas ni Klarisse

KAUGNAY NA BALITA: PBB housemates, bumuhos emosyon sa pagbabalik ng ShuKla

Sa pagtatapos ng journey ni Klarisse sa PBB, inaasam ng fans na nawa ay dumagsa ang proyekto para sa kaniya at mapagsama-sama sila sa sitcom, serye, pelikula, o concert ng PBB housemates.