December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kuda ni Ralph, walang ex-housemates karapat-dapat magbalik-PBB; bengga ni Klang, 'Tapos siya bumalik!'

Kuda ni Ralph, walang ex-housemates karapat-dapat magbalik-PBB; bengga ni Klang, 'Tapos siya bumalik!'
Photo courtesy: Screenshots from Pinoy Big Brother (YT)

Usap-usapan ng mga netizen ang naging sagot at pahayag ni "Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition" Kapamilya housemate Ralph De Leon hinggil sa kung sino sa evicted housemates ang karapat-dapat pang makabalik sa Bahay ni Kuya at mapasama pa sa Big Four.

Bahagi ito ng pag-challenge ng evicted housemates bilang "duo house challengers" sa mga duo na naglalaban-laban hanggang sa Big Night.

Ayon kay Ralph, wala raw karapat-dapat na bumalik sa PBB house mula sa evicted housemates dahil naniniwala raw siyang may dahilan ang lahat ng nangyayari sa buhay ng isang tao.

"Kuya, sa palagay po namin, wala pong ex-housemates ang karapat-dapat na bumalik dito sa bahay n'yo," ani Ralph.

Tsika at Intriga

AJ Raval, nag-throwback sa pagiging batang ina, may b-day greeting sa panganay niya

"Hindi po ito dahil kulang sila sa qualities para maging bahagi ng Big Four o Final Five. Naniniwala po kami na may tamang timing at may dahilan ang lahat ng nangyayari sa buhay natin," dagdag pa niya.

"Kung hindi po sila pinalad na manatili dito sa loob ng bahay, baka po may mas malaking bagay na naghihintay sa kanila sa labas.”

Ngunit reaksiyon naman dito ng latest evictee na si Klarisse De Guzman, "Tapos siya bumalik!"

Matatandaang evicted na si Ralph subalit nakabalik lamang sila ng Kapuso housemate na si Charlie Fleming dahil sa "wild card."

KAUGNAY NA BALITA: Ralph at Josh, evicted na sa Bahay ni Kuya

KAUGNAY NA BALITA: Ilang ex-PBB celebrity housemates, puwede pang mag-big comeback

Si Ralph ang tinaguriang "Saing King" ng edisyong ito, dahil sa kaniya nakatoka ang pagsasaing sa loob ng Bahay ni Kuya.