December 15, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Dating kaklaseng 'inaway' ni Marian, wala raw intensyong manira at sumikat

Dating kaklaseng 'inaway' ni Marian, wala raw intensyong manira at sumikat
Photo courtesy: Ivy Manzon-Bo (FB)/via MB

Nagpaliwanag ang umano'y dating kaklase sa high school ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera-Dantes hinggil sa naging pagsisiwalat niya sa naging engkuwentro nilang dalawa noon.

Nag-ugat ito sa naging panayam ni ABS-CBN news anchor-journalist at vlogger Karen Davila kay Marian, kung saan, naurirat ng una ang huli tungkol sa mga taong "nakaaway" niya. Nakita lamang daw niya ito sa isang social media page sa Facebook.

Sinabi kasi ni Marian sa nabanggit na panayam na "pinatawad" na raw niya ang mga nakaaway niya.

Batay sa viral Facebook post ni Ivy, binuhusan daw siya ng softdrinks at sinabunutan daw siya ni Marian dahil sa maling balitang nakarating sa kaniya. Pareho raw silang dinala sa Guidance Office, nasuspinde, at natanggal sa varsity team.

Tsika at Intriga

'Dad's okay!' Kat De Castro, tiniyak na maayos na lagay ng tatay na si Kabayan

Pero ayon kay Ivy, pinatawad na raw niya si Marian na madaling maniwala sa "chismax" o chismis. Ipinaliwanag ni Ivy na "good friend" niya si Marian noong nasa high school sila, subalit madaling napaniwala raw nang siraan siya ng classmate nila sa kaniya.

Naulit pa raw ang insidente sa college subalit pinagsabihan daw niya si Marian na "High school pa lang issue na yan ngayon issue mo pa din?"

Matapos kuyugin ng mga netizen ay muling nag-post si Ivy patungkol sa kaniyang mga expose laban sa kaniya.

Paliwanag niya, wala raw siyang intensyong manira, at hindi rin daw niya balak sumikat.

"Ok last na to. Para sa ikatatahimik ng magulong mundo ng soc med. Sana daw di na ako nagshare, sana di ko na daw pinost, it is never my intention na manira lalo pa ng isang Marian Rivera, pader na yan sa showbiz hindi na yan kahit kailan mapapabagsak ng kahit ano pa man. My applogies if nasaktan kayo. If naging fame whore ok baka nga ciempre tangapin natin kung ano pang gusto niyo sabihin. Isang pribilehiyo ang masabunutan ni Marian no. Saka un nga tapos na un napagkwentuhan lang wag na kayong magalit kasi di naman ikakasira ng tao ung nakaraan na. Pero wala akong balak sumikat para lang sa ganyan para saan? Pacencia na sa mga nagalit at natrigger sa post. Ang dami nang chats and comments. Hindi ko na din mabasa lahat," aniya.

KAUGNAY NA BALITA: Marian nanabunot, nambuhos ng softdrinks sa dating kaklase dahil sa chismax?

Sa isa pang Facebook post, muling sinagot ni Ivy ang hate comments laban sa kaniya ng fans ni Marian, at sa mga nananakot pa raw sa kaniya ng cyber libel.

"Etong mga taong to na walang magawa na magsend pa ng message para lang kung ano ang mga sasabihin wag na po.

Anyway sabihin niyo na gusto niyo sabihin kasi wala naman akong pake. Yes siguro matagal na nga interview ni MRD with KD kaya lang di kasi ako nanonood ng mga showbiz news until nakita ko lang ang memes sa Hampaslupa Buddies," aniya.

"Nagcomment ako and nagshare ng own story ko with her. Yes matagal na ang away namin which I indicated at high school days pa naman un so I don't think it would affect kung ano man cia ngayon. Marian is Marian! Kung naishare ko man ang story ko that is my story to tell and I have all the right to speak my mind! Cringe man ang story but it is real and none of it were made up just as you say to destroy the name of someone else."

"Clout chasing partly yes, joining the band wagon of chikas about my former classmate. And what she is saying about forgiveness. So bakit ko nashare ang own story namin just because I remembered vividly nung makita ko ang memes. Tapos dumami na mga comments na marami palang other issues pa like pag kulong sa CR, pagkwelyo sa co-star, pakipagbangayan sa isang fan, etc, etc, which I barely knew dahil again never akong naging updated sa kahit anong showbiz balita. I don't watch TV only sa CP to watch news update o kaya sa radyo na lang. So anong alam ko sa showbiz hahahahha."

"May nagbayad sakin? For what? And I don't think it is necessary. We may not be as priviledge as your idol but I can say we live comfortably. And happy."

"I may not be as super ganda ng Diyosang si Marian but I have live my life not envious of other people, kasi mas masaya akong makitang successful ang ibang tao more than me. And noon pa man din maganda na talaga siya. Wala namang sinabing usapan ng pagandahan kasi wala namang kompetisyon."

"I have related the meme na pagpapatawad to those na nakaaway niya sa nangyari sa amin and it has nothing to do with her interview with KD. Never ko din namang sinabi na ako ang sinasabihan niya dun sa interview niya dahil nga una sa lahat hindi ako updated sa buhay niya."

"Insecure? At what angle? Porke pinili kong maging losyang as you all say so what? Kasi wala akong dapat patunayan sa sarili ko. Hindi naman ako nagpapaganda kasi wala naman akong product na ineendorse, at wala din akong balak magartista hahahahha."

"Tawanan niyo, mag laugh or angry react kayo sa mga post ko I don't give a damn."

"I don't think I owe anyone an explanation kasi kahit anong paliwanag ko sa mga taong makitid ang utak wala na din akong laban. Sa ibang platform na lang tayo maglaban pero sa totoo lang sayang ang oras at panahon sa mga taong kasing kikitid ng utak ninyo."

"Kung di niyo nagustuhan ang storya namin noon walang problema pero ung ikagalit niyo ang pagkwento ko sa nakaraan ko wala kayong paki buhay ko to. Kung nakakasira man sa image ng taong iniidolo niyo pacencia na. Pero marami na ang nagkalat na balita hindi lang galing sakin. Kaya kahit ano pang pagtatangol niyo alam na ng buong mundo. Hindi niyo lang matanggap na finally may taong nagsalita ng totoong nangyari sa min. Na kahit matagal na un totoo pa ding nangyari."

"Demolition job? Character assassination?- para saan as if naman may taong mananalo sa pader. Lalo sa isang kagaya ko na sino lang ba? Walang napatunayan gaya ng idol niyo. It is never the intention kaya ako nagkwento. Again inalala ko lang ang nakaraan relating to the memes about her statement of forgiveness."

"Again for sure malaki na ang pinagbago at matured na din naman si MRD. Kung ano man ang ugali niya hindi naman na kailangan pang irelate sa storya ko pero kung yun ang trip niyo bahala na kayo. Wala naman akong paki at buhay nya yan. So cia na un."

"Pero sa lahat lahat maraming salamat pa din sa mga taong nagpaabot ng kanilang pakikiramay, hindi ako bothered like what you all think pero I'm posting this for the last time at bukas wala ng MRD issue sa walll ko kasi hindi ko naman ikakayaman kung lahat ng bashers at supporters niya ay isa isahin ko pang sagutin!"

"Wag niyo akong takutin ng Cyber Crime/Cyber Libel dahil mas marami akong bala! And siguraduhin niyo muna yang mga paratang niyo at mga impormasyong nakukuha niyo bago kayo magsalita. Marami na akong nasampolan wag na kayong sumunod!"

"This MRD issue ends today! Maraming salamat sa inyo lahat!" mahabang paliwanag niya.

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Marian patungkol dito.