December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Cristy Fermin, pinangalanan pamilyadong vice mayor na kasama ni Arci Muñoz sa flight pa-Europe!

Cristy Fermin, pinangalanan pamilyadong vice mayor na kasama ni Arci Muñoz sa flight pa-Europe!
Photo Courtesy: Screenshots from Showbiz Now Na (YT)

Inilabas lahat sa isang bagsakan ni showbiz columnist Cristy Fermin ang lahat ng resibong nakalap niya patungkol sa misteryosong lalaking kasama ng aktres na si Arci Muñoz habang sakay ng eroplano.

Sa latest episode ng “Showbiz Now Na” noong Biyernes, Hunyo 20, pinangalanan ni Cristy ang nasabing lalaki na isa umanong vice mayor.

Ani Cristy, “Nalaman po namin sa isang source at maraming sources, na ito pong kasama ni Arci Muñoz dito sa Etihad flight na ito patungong Europe ay si Vice Mayor Sammy Parilla II. Vice Mayor ng Bantay, Ilocos Sur.”

“Dati na itong nali-link sa kaniya [kay Arci],” pagpapatuloy niya. “Sabi niya, hindi totoo. [...] Pero ngayon, papa’no ‘yan may resibo? Ibang klase na ngayon, ano.”

Tsika at Intriga

AJ Raval, nag-throwback sa pagiging batang ina, may b-day greeting sa panganay niya

“Nasa lounge area ng Etihad, nasundan hanggang sa loob ng eroplano, pati ‘yong pagbaba, pati ‘yong pagkuha ng unan, pati ‘yong bag!” dugtong pa ng showbiz columnist.

Ayon sa co-host ni Cristy na si Romel Chika, tila sinubaybayan daw talaga ng source nila ang bawat kilos ni Arci.

Pero simula pa lang pala ito ng mga pasabog ni Cristy, dahil batay sa tsikang nakarating sa kaniya, pamilyadong tao umano si Vice Mayor Sammy!

“Nalaman nga natin mula sa ating mga sources na si Vice Mayor Sammy Parilla II ay pamilyado. May nagpadala pa nga ng litrato kasama ang wife,” sabi ng showbiz columnist.

Sa ngayon, naghihintay daw sina Cristy ng pahayag o reaksiyon mula sa mga indibidwal na sangkot kaugnay sa nasabing tsika.

“Puwede naman niyang idiretso kung sino ‘yong kasama niyang lalaki dito sa flight na ito. Pupuwede rin niyang sabihin business associates kaya magkasama sila,” ani Cristy.

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo nina Arci at Vice Mayor Sammy. Bukas ang Balita para sa kanilang panig.