December 14, 2025

Home FEATURES Human-Interest

Ate Girl, buking si BF na may kasamang 'babae' sa condo dahil sa food delivery

Ate Girl, buking si BF na may kasamang 'babae' sa condo dahil sa food delivery
Photo courtesy: Pexels

"Sa mga gustong hulihin ang mga jowa nila, alam na!"

Usap-usapan ang isang post ng isang anonymous netizen sa isang social media platform matapos niyang ikuwento kung paano niya nalamang may ibang babaeng nakatira sa condominium unit na tinutuluyan ng kaniyang boyfriend na karelasyon niya sa loob ng tatlong taon.

Aniya, ilang araw na raw niyang napapansing tila "lutang" ang kaniyang boyfriend; walang ganang makipag-usap, at parang laging may iniisip.

Kaya isang araw, naisipan niyang gawin ang isang bagay na hindi pa niya nagagawa para sa karelasyon upang pasayahin ang kalooban nito.

Human-Interest

Misis sinimot 13th month pay ni Mister nang walang paalam: ‘May karapatan ako sa pera mo!'

"I ordered food under his name and asked the rider to deliver it straight to his condo. Ang instruction ko pa, 'pakibigay po mismo sa kanya.' Minutes later, I got a message from the rider. 'Ma'am, okay na po. Pinabigay na lang po ng babae. Tulog daw si sir.' Babae? Sa unit niya... I was shocked. literal. Hindi ako makagalaw. I called him agad. No answer. After 10 minutes, nag-text siya: 'Nasa work ako, bakit?'"

Hindi raw niya kinompronta ang BF hanggang sa dumalaw raw ito sa kaniya na may dalawang flowers at chocolates. Sinabihan din siyang 'Namiss kita' kagaya raw ng ginagawa sa kaniya.

"Tahimik lang ako. Pero sa loob ko, binibilang ko na lang kung ilang araw pa bago ako tuluyang bumitaw."

Kaya tanong ng netizen, "Ilang red flag pa ba ang kailangang makita para matauhan? I don't have any other proofs na babae nya yun but iba ang gut feeling ko. I don't really know what to do."

Photo courtesy: Reddit

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"What if mama nya hahahah"

"Just trust your gut feeling eme. Pag kinutuban ka, for sure tama yan. Run."

"anteh wag mo na po pakawalan baka mapunta pa sa amin"

"Baka naman kapatid na babae lang ikaw naman haha."

"Tama yan. Ipunin mo muna, wag mo muna iwan. Galing galing mag isip ah. Kagigil."

"Bakit ba ang tanga tanga natin pagdating sa pagibig????"

"kausapin mo and komprontahin, o kaya, hulihin mo."

Ikaw, anong palagay mo tungkol dito, Ka-Balita?

- - -

Disclaimer: Bagama’t ang kuwentong ito ay inaako ng may-akda na mula sa tunay na pangyayari, hindi maaaring kumpirmahin o itanggi ng Balita ang katotohanan sa mga detalye at impormasyong nakasaad dito.