December 13, 2025

Home BALITA

26 Pinoy mula Israel, balik-bansa sa susunod na Linggo; bilang ng mga gustong umuwi, tataas pa—DFA

26 Pinoy mula Israel, balik-bansa sa susunod na Linggo; bilang ng mga gustong umuwi, tataas pa—DFA
Photo courtesy: via DFA/Facebook

Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na maaari nang makauwi ang unang batch ng mga Pilipinong nagpa-repatriate pabalik ng bansa mula sa Israel.

Sa press briefing nitong Sabado, Hunyo 21, 2025, nasa 26 Pinoy ang uunahing makabalik ng Pilipinas habang nasa 191 na raw ang iba pang nagpahayag ng interes sa voluntary repatriation. Inaasahan din ng ahensya na patuloy pang tataas ang bilang ng mga magnanais umuwi, kasunod ng lumalalang tensyon sa Israel at Iran.

"Next week we'll start the first batch, we have 26 Filipinos going home. There are now 191, so paakyat nang paakyat ang gustong umuwi. So it's going on. Still, there are 30,000, and the vast majority want to leave," ani DFA Assistant Secretary Robert Ferrer.

Saad pa niya, tanging 26 Pinoy pa lamang ang naunang makakabalik ng bansa dahil kumpleto raw ang kani-kanilang mga dokumento.

Parachute ng skydiver, sumabit sa traffic light; muntik na mabigti!

Dumipensa rin ang DFA sa ilang netizens na pumupuna umano sa kanilang ahensya patungkol sa hindi nila pagdedeklara ng mandatory repatriation.

"And you know, for us, some of you may be wondering, I've seen social media. How can it not be mandatory? Mandatory repatriation is used for war zones, meaning untenable situations, where no Filipino should be detained because you can't get there. And a great example is Gaza," ani Ferrer.

Matatandaang noong Biyernes, Hunyo 20, nang itaas ng DFA sa alert 3 ang sitwasyon sa Israel at Iran na nangangailangan ng voluntary repatriation, matapos ang patuloy pa rin na palitan ng missile attack ng dalawang bansa.