January 05, 2026

Home BALITA Probinsya

105-anyos na lola, patay sa hit and run, ilang araw matapos mag-birthday!

105-anyos na lola, patay sa hit and run, ilang araw matapos mag-birthday!
Photo courtesy: Contributed photo

Dead on the spot ang isang 105 taong gulang na lola matapos siyang ma-hit and run, ilang araw pagkatapos siyang magdiwang ng kaniyang kaarawan.

Ayon sa mga ulat, kinilala ang biktima na si Rosalina "Apong" Corpuz Dela Rosa na nabundol ng hindi pa tukoy na sasakyan sa kahabaan ng Brgy. Wawa, Abra de Ilog, Occidental Mindoro.

Batay sa salaysay ng pamilya ng biktima, bandang 12:00 ng madaling araw nang makarinig sila ng malakas na kalabog, na inakala nilang aso lamang ang nabangga. Laking gulat na lamang daw nila nang tumambad sa kanila ang wala nang buhay na katawan ng biktima.

Hustisya ang panawagan ng mga naulila ng biktima lalo pa't wala pa raw na kahit na anong lead na makakapagturo sa pagkakakilanlan ng driver o sasakyan na siyang kumitil sa mahigit isang daang taong buhay ng biktima.

Probinsya

Toy gun lang? Lady driver na nagpakita ng baril, nanakot lang daw ng namamalimos

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at pagsusuri sa ilang CCTV malapit sa lugar. Posible umanong maharap sa reckless imprudence resulting in homicide ang salarin sa nangyaring aksidente.