December 13, 2025

Home BALITA

VP Sara, nasa Australia para sa 'personal trip'

VP Sara, nasa Australia para sa 'personal trip'
Photo courtesy: Inday Sara Duterte/FB

Kasalukuyang nasa Australia si Vice President Sara Duterte para sa "personal trip," ayon sa Office of the Vice President (OVP) nitong Biyernes, Hunyo 20.

Ayon pa sa OVP, bukod sa personal trip ng bise presidente ay dadalo rin ito sa "Free Duterte Now" rally sa Hunyo 22 na gaganapin sa Melbourne, Australia.

"Vice President Sara Duterte is currently on a personal trip to Australia and will be attending the “Free Duterte Now” rally scheduled for June 22, 2025, in Melbourne," anang OVP sa isang pahayag.

Matatandaang noong Marso 12 pa nananatili sa the detention center ng ICC sa The Hague, Netherlands si dating pangulong Duterte matapos siyang maaresto noong Marso 11 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa kasong crimes against humanity kaugnay ng kaniyang naging madugong kampanya kontra droga.

Truly blessed! VP Sara, thankful sa mga DDS na alam ang paninira at katotohanan

KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD

Sa Setyembre 23 nakatakdang siyang humarap para sa confirmation of charges. Bago nito, nauna nang naghain ng interim release ang kanyang kampo para sa pansamantalang paglaya.

KAUGNAY NA BALITA:  Confirmation of charges hearing para kay FPRRD, itinakda ng ICC sa Sept. 23, 2025

KAUGNAY NA BALITA: FPRRD, humiling na ng interim release; may bet ng puntahan na bansa

Samantala, kaugnay na Balita kay Duterte, hindi ulit siya dadalo  sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr..

BASAHIN: Pangalawang beses na! VP Sara, hindi ulit dadalo sa SONA ni PBBM