Nagbigay ng komento si Senator-elect Erwin Tulfo sa balak na pagsibak ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Nicolas Torre III sa mga matatabang pulis.
Matatandaang hindi pa man natatagalan sa posisyon bilang pinuno ng kapulisan ay walong makukupad na hepe agad ang pinasibak ni Torre.
MAKI-BALITA: Makukupad na hepe, sibak kay Torre!
Ngunit sa ginanap na monthly balitaan forum ng Manila City Hall Reporters' Association (MACHRA) nitong Biyernes, Hunyo 20, sa Harbor View Restaurant sa Ermita, Maynila, sinabi ni Tulfo na dapat umanong bigyan ng pagkakataong makapagpaimpis ng tiyan ang mga pulis na sobra sa timbang.
“Bigyan siguro ng chance 'yong mga overweight para bumaba ang timbang, Siguro bigyan ng 30 days. Bigyan ng physical exam siguro,” saad ni Tulfo.
Dagdag pa niya, “'Pag unang physical exam, talo ka, 'di mo napababa, may second try pa. Then, third try. Kasi ‘yong iba diyan halos they spend already their lifetime; ‘yong career, [tapos] sisibakin mo lang kinabukasan.”
Bukod sa matataba, nanganganib ding mawala sa serbisyo ang mga pulis na hindi marunong gumamit ng baril.
MAKI-BALITA: Mga pulis na ‘di marunong gumamit ng baril, tatamaan kay Torre!
KAUGNAY NA BALITA: Bagong utos ni Torre sa kapulisan: Bawal ang bochog, dapat sharp shooter!