December 14, 2025

Home BALITA

Rendon, nalalambutan sa mga nagsu-zumbang pulis: ‘Nakakabawas ng dignidad’

Rendon, nalalambutan sa mga nagsu-zumbang pulis: ‘Nakakabawas ng dignidad’
Photo Courtesy: Rendon Labador (FB), Contributed Photo

Tila masakit sa mata ng fitness coach at tinaguriang “motivational speaker” na si Rendon Labador ang mga pulis na nakikita niyang sumasayaw ng zumba.

Matatandaang nilapitan si Rendon ng Police Community Affairs and Development Group para sa “93-Day Weight Loss and Fitness Challenge.”

MAKI-BALITA: Mga pulis, may dapat bawasan para lumiit ang tiyan—Rendon Labador

KAUGNAY NA BALITA: Rendon Labador, papapayatin mga pulis na bochog at malalaki ang tiyan

Internasyonal

Intersection sa NYC, ipinangalan kay Dr. Jose Rizal bilang pagkilala sa Filipino community

Ito ay matapos ihayag ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Nicolas Torre III na aalisin sa serbisyo ang mga matatabang pulis gayundin ang mga hindi marurunong gumamit ng baril.

MAKI-BALITA: Mga pulis na ‘di marunong gumamit ng baril, tatamaan kay Torre!

KAUGNAY NA BALITA: Bagong utos ni Torre sa kapulisan: Bawal ang bochog, dapat sharp shooter!

Sa latest episode ng “Morning Matters” nitong Biyernes, Hunyo 20, ibinahagi ni Rendon ang programang nirekomenda niya para sa mga pulis sa loob ng 93 araw.

Aniya, “‘Yong zumba kasi, parang nakakalambot daw ng imahe ng kapulisan. Tama naman, ‘yong iba kasi macho. Tapos, pasasayawin mo.”

“Parang lumalambot siya, e. Nakakabawas ng dignidad. Kung ako siyempre magpupulis, makikita mo ako, parang awkward,” dugtong pa ni Rendon.

Kaya naman sa halip na zumba, functional work out umano ang minungkahi ni Rendon upang mapakinabagan ng trabaho ng kapulisan.

“So, nagwo-work out ka ta’s mai-improve mo ‘yong daily life mo. Squats, jump squats, ‘yong mga usually ginagawa mo daily tapos mas mai-improve mo para mabawasan ‘yong injury,” saad niya.