January 31, 2026

Home BALITA

Lola, inuto at pinagnakawan ng mga kawatan sa Tondo

Lola, inuto at pinagnakawan ng mga kawatan sa Tondo
Photo courtesy: Pexels

Inuto, sinuntok at saka pinagnakawan ng ilang kawatan ang isang 77 taong gulang na lola sa Tondo, Maynila.

Ayon sa ulat ng GMA Integrated News nitong Biyernes, Hunyo 20, 2025, minanmanan ng dalawang lalaking suspek ang biktima na noo’y pauwi na raw ng bahay galing sa palengke. Nang makakuha ng pagkakataon, nagpakilala raw ang dalawang salarin na magkapatid at nakuha ang loob ng biktima na makipagkwentuhan sa kanila. 

Batay sa salaysay ng biktima, inalok umano siya ng tulong ng dalawang lalaki na ihahanap siya ng bagong bahay at saka pinasama sa kanila upang ipakilala sa misis ng isa sa mga suspek. Pinasakay daw siya sa loob ng sasakyan kung saan naghihintay ang isang babae.

Doon na raw kinutuban ang matanda, ngunit huli na upang makalabas siya. Isang lalaki raw ang sumuntok sa kaniyang mukha at saka pilit na tinakpan ang mga mata niya.

₱100M, ₱10M, ibinalang danyos ni Rep. Leviste laban kay Usec.Castro

Natangay sa biktima ang kaniyang pera at mga alahas na tinatayang aabot sa ₱100,000 kabuuang halaga. Nakiusap na lamang daw ang biktima na huwag siyang patayin ng mga salarin.

Makalipas ang ilang sandali, pinababa na raw ng mga suspek ang biktima sa may Baseco at saka bingyan ng ₱200 pamasahe. 

Napag-alamang matagal na raw umiikot ang ganoong modus sa Maynila at patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.