December 14, 2025

Home BALITA

Ilang airport police na ginagatasan taxi driver sa NAIA, buminggo sa DOTr

Ilang airport police na ginagatasan taxi driver sa NAIA, buminggo sa DOTr
Photo courtesy: Airport Police/Facebook

Nasampolan ng Department of Transportation ang lima airport police na ginagatasan umano ang mga taxi driver sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay DOTr Sec. Vince Dizon, suspendido na ang limang airport police habang patuloy na isinasagawa ang imbestigasyon. 

“Ni-relieve na sila, dinisarmahan na sila at suspended na sila habang on goling yung fact-finding natin dito,” ani Dizon sa media nitong Biyernes, Hunyo 20, 2025.

Nanggaling ang impormasyon mula sa isiniwalat ng viral na taxi driver, na naningil umano ng mahigit ₱1000 sa isang pasahero mula NAIA terminal 2 papuntang terminal 3, bunsod ng pangangailangan na makapagbigay daw sa mga airport police.

DPWH sa Senado: 'Restore the deducted amounts from the projects in the 2026'

“According dun sa kwento ni Felix [Taxihub] ang nagpapatakbo ng raket dito ay yung airport police. Sila ang nag-iimpose ng mahal na rate at dun sa mamahaling rate na yun kumukuha sila ng 40-percent kaya ang naghihirap yung mga pasahero natin,” anang hiwalay na pahayag ni Dizon.

May karampatang parusa daw na natatanggap ang mga taxi driver kapag hindi nakakapagbigay sa halagang hinihingi ng mga airport police.

“Pagka hindi ka sumunod at nagcharge ka ng mababa at hindi nagremit nung hinihingi nila, either huhulihin ka o hindi ka papapasukin ng airport,” anang DOTr secretary.

Samantala, pinaiimbestigahan na rin ng naturang ahensya ang Manila International Airport (MIA) hinggil sa modus na nagkalat sa mga airport.