December 13, 2025

Home BALITA

House Spox Abante, may banat sa personal trip ni VP Sara: ‘Dapat para sa taumbayan’

House Spox Abante, may banat sa personal trip ni VP Sara: ‘Dapat para sa taumbayan’
Photo courtesy: screenshot from House of Representative/FB, MB file photo

Nagkomento si House Spokesperson Princess Abante tungkol sa paglipad ni Vice President Sara Duterte patungong Australia.

Sa kaniyang press briefing nitong Biyernes, Hunyo 20, 2025, iginiit ni Abante na dapat ay para sa taumbayan pa rin daw ang mga lakad ng Pangalawang Pangulo sa labas ng bansa.

“Hindi ko alam if that is an official travel or a personal travel. But lagi't lagi, bilang halal na opisyal ng bayan, yung oras mo na ginugugol sa loob at labas ng ating bansa, at ito man ay pang personal o opisyal, dapat para sa taumbayan hindi sa personal na interes,” saad ni Abante.

Hirit pa ni Abante, “Para hindi nasasayang ang tiwala, ang pondo at binigay na mandato ng Pilipino sa atin.”

National

‘Hindi ako tutol!’ Sen. Imee aprub sa pagpapatayo ng classrooms, pero kinuwestiyon dagdag-pondo pa rito

Nitong Biyernes, nang ihayag ng Office of the Vice President (OVP) na nasa Australia na raw si VP Sara para sa kaniyang personal trip kung saan nakatakda niyang daluhan ang “Free Duterte Now” rally sa Melbourne na gaganapin sa Hunyo 22.

"Vice President Sara Duterte is currently on a personal trip to Australia and will be attending the “Free Duterte Now” rally scheduled for June 22, 2025, in Melbourne,” saad ng OVP.

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, nasa Australia para sa 'personal trip'

Matatandaang patuloy ang malawakang panawagan ng mga tagasuporta ng pamilya Duterte mula pa noong Marso 12, magmula nang manatili sa the detention center ng ICC sa The Hague, Netherlands si dating pangulong Rodrigo Duterte matapos siyang maaresto noong Marso 11 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa kasong crimes against humanity kaugnay ng kaniyang naging madugong kampanya kontra droga.

KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD

Inirerekomendang balita