Tila aaray ang bulsa ng mga motorista sa susunod na linggo dahil sa nagbabadyang pagsipa ng presyo ng produktong petrolyo, bunsod ng tensyon na nagaganap sa Middle East.
Base sa four-day Mean of Platts Singapore (MOPS), papalo ang presyo ng gasolina ng ₱2.50 - ₱3.20 kada litro, habang naglalaro sa ₱4.30 - ₱4.80 kada litro ang diesel.
Ang kerosene naman ay sisipa ng ₱4.25 - ₱4.40 kada litro.
Ang mga presyo na ito ay sanhi ng patuloy na tensyon sa Middle East, partikular sa pagitan ng Iran at Israel.
Posibleng iimplementa ang pagtaas ng presyo sa Hunyo 24, Martes.