December 15, 2025

Home BALITA

DOJ makikipagtulungan sa PCG, Navy para sa mga nawawalang sabungerong inilibing sa Taal Lake

DOJ makikipagtulungan sa PCG, Navy para sa mga nawawalang sabungerong inilibing sa Taal Lake
Photo courtesy: Manila Bulletin file photo, Pexels

Makikipag-ugnayan ang Department of Justice (DOJ) sa Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Navy para sa pagrekober umano ng mga bangkay ng mga nawawalang sabungerong sinasabing inilibing sa Taal Lake.

Sa panayam ng media kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Biyernes, Hunyo 20, 2025, posibleng kailanganin nila ang mga technical divers ng PCG at Navy.

“Inaayos pa namin. Pati Coast Guard susubukan nating kunin para…yung diving team nila at saka Navy. Kasi ano ‘to, mabigat na diving ‘to, fresh water ‘to eh. Hindi ‘to basta-basta, technical divers talaga kailangan natin,” ani Remulla.

Noong Miyerkules, Hunyo 18 nang ipalabas ng 24 Oras ang kanilang ulat patungkol sa isa sa mga security guard umano ng Manila Arena na nasiyang nagsabing patay na ang mga nawawala sabungero na inilibing sa Taal Lake.

National

'Nandito si Mama, naghihintay sa 'yo!' Nanay ng nawawalang bride-to-be, nanawagang maibalik nang maayos ang anak

KAUGNAY NA BALITA: 34 nawawalang sabungero, ilang drug lords, itinumba at inilibing sa Taal Lake

Dagdag pa ni Remulla, hindi lang daw 34 mga sabungero ang posibleng inilibing sa Taal Lake kundi tinatayang nasa 100 mga katao pa, kasama umano ang mga drug lords—batay na rin sa salaysay ng whistleblower na nagpakilalang security guard ng Manila Arena.

“Di lang missing sabungero ang mga yun, may iba pang tinatapon doon, pati drug lord," saad ng nasabing testigo.