December 13, 2025

Home BALITA

'Come and get me' ni Roque sa PBBM admin, sinagot ng Palasyo: 'Wait and see!'

'Come and get me' ni Roque sa PBBM admin, sinagot ng Palasyo: 'Wait and see!'
Photo courtesy: screenshots from RTVM, Harry Roque/Facebook

Muling sumagot ang Malacañang sa pahayag ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque patungkol sa nakabinbing pag-aresto sa kaniya ng gobyerno ng Pilipinas.

Sa press briefing ni Palace Press Undersecretary Claire Castro nitong Biyernes, Hunyo 20, 2025, isang maikling sagot ang ibinigay niyang tugon para umano kay Roque.

“Ayon naman po sa DOJ, naghihintay lamang ng formal notice patungkol dito sa kaniyang asylum. Kung ang sinasabi po niya ay ‘come and get me,’ ayon naman po sa ating pamahalaan, wait and see,” saad ni Castro.

Matatandaang noong Huwebes, Hunyo 19 nang bitawan ni Roque ang katagang “come and get me” bilang tugon pa rin kay Castro na nakahanda raw ang gobyerno upang tuluyan siyang maaresto.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

“Come and get me, ready pala sila sa akin eh ba’t hindi nila ako makuha?” saad ni Roque.

May payo rin si Castro para kay Roque matapos niyang kuwestiyunin ang intelligence assets ng Department of Justice (DOJ).

“Hindi n’ya pong ipagsawalang bahala ang intelligence, assets po ng DOJ. Hindi naman po namin i-tetelegraph mga punches ng gobyerno katulad ng kaniyang ginagawa,” saad ni Castro.

Matatandaang si Roque ay ikinokonsiderang nagtatago sa batas matapos maglabas ang Angeles City Regional Trial Court (RTC) Branch 118 laban kay Roque at Cassandra Ong  dahil sa umano’y human trafficking kaugnay ng mga operasyon ng isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Pampanga.

KAUGNAY NA BALITA:  Harry Roque, pinaaaresto ng Angeles court dahil sa umano’y human trafficking kaugnay ng POGO