January 04, 2026

Home BALITA Probinsya

6-anyos batang lalaking kumpleto sa anti-rabies vaccine, patay sa kagat ng tuta

6-anyos batang lalaking kumpleto sa anti-rabies vaccine, patay sa kagat ng tuta
Photo courtesy: Contributed photo

Patay ang anim na taong gulang na batang lalaki matapos umano siyang makagat ng alagang tuta sa Gumaca, Quezon.

Ayon sa mga ulat, noong Mayo 7, 2025 nang makagat ng tuta ang biktima kung saan agad naman daw nadala ang bata sa District Hospital at nalapatan ng unang dose ng anti-rabies vaccine. 

Umayos naman daw ang pakiramdam ng biktima lalo pa’t nakumpleto niya ang mga sumunod pang bakuna ng anti-rabies noong Mayo 12 para sa kalawang dose, na nasundan naman noong Mayo 16 para sa ikatlong turok at noong Hunyo 4 naman ang ikahuli niyang pagpapabkauna.

Saad pa ng mga ulat, noong Hunyo 12 daw nang sumama na ang pakiramdam ng biktima matapos siyang lagnatin. Habang noong Hunyo 13 matapos magpakita ng umano’y sintomas ng rabies na sinabayan pa ng pagsusuka—tuluyan na raw binawian ng buhay ang bata.

Probinsya

Toy gun lang? Lady driver na nagpakita ng baril, nanakot lang daw ng namamalimos

Palaisipan sa pamilya ng biktima ang sinapit ng kanilang anak na nanawagan na rin ng imbestigasyon kung may pagkukulang umano ang ospital sa mga itinurok na bakuna sa kanilang anak.