December 13, 2025

Home BALITA

₱25M jackpot prize ng Lotto 6/42, napanalunan ng taga-NCR

₱25M jackpot prize ng Lotto 6/42, napanalunan ng taga-NCR
FILE PHOTO BY JANSEN ROMERO (MANILA BULLETIN)

Isang taga-National Capital Region (NCR) ang pinalad na magwagi ng mahigit ₱25 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na binola nitong Huwebes ng gabi.

Sa abiso ng PCSO, nabatid na matagumpay na nahulaan ng lucky winner ang winning combination na

02-14-16-28-22-30 kaya't napanalunan nito ang katumbas na premyong ₱25,051,343.80.

Ayon sa PCSO, nabili ng lucky winner ang kanyang lucky ticket sa Zapote, Las Piñas City. 

Truly blessed! VP Sara, thankful sa mga DDS na alam ang paninira at katotohanan

Upang makubra ang kaniyang premyo, pinayuhan naman ng PCSO ang lucky winner na magtungo lamang sa kanilang main office sa Mandaluyong City.

Kailangan din umano nilang iprisinta ang kanilang winning ticket at dalawang balidong IDs.

Paalala naman ng PCSO, ang lahat ng premyong lampas ng ₱10,000 ay papatawan ng 20% tax, alinsunod sa TRAIN Law.

Ang lahat naman ng premyong hindi makukubra sa loob ng isang taon, mula sa petsa ng pagbola dito, ay awtomatikong mapupunta sa kawanggawa.

Ang Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.