December 14, 2025

Home SHOWBIZ Pelikula

Unang role ni Dennis Trillo sa Green Bones, napalitan dahil sa isang aktor

Unang role ni Dennis Trillo sa Green Bones, napalitan dahil sa isang aktor
Photo courtesy: via Dennis Trillo (FB)

May ibinahaging kuwento ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo patungkol sa unang role niya dapat sa award-winning Metro Manila Film Festival 2024 Best Picture na "Green Bones" na nagpanalo rin sa kaniya bilang Best Festival Actor.

Ayon kay Dennis, ang unang role na inialok pala sa kaniya ay role ng security officer, na ginampanan ni Ruru Madrid.

Ang role naman na ginampanan niya, originally, ay inalok sa isang artistang matagal na raw niyang pangarap na makatrabaho, subalit matapos ang ilang mga pag-uusap, hindi siya napabilang sa cast.

Nahirapan daw ang production team na humanap ng papalit sa nabanggit na role, hanggang sa, sa kaniya na raw inalok ito.

Pelikula

Avengers: Endgame, balik-sine sa 2026!

Napunta naman ang unang role niya kay Ruru Madrid, na nanalo naman bilang Best Supporting Actor.

"Papasok ng 2024, noong unang inalok sa akin ang pelikulang GREEN BONES. Ako daw ay gaganap bilang Xavier Gonzaga, isang Security officer na magkakaroon ng isang 'mortal na kaaway' na PDL sa loob ng isang correctional facility," mababasa sa post ni Dennis.

"Napa oo agad ako dahil maganda ang materyal at makaka trabaho ko ang isang artistang, noon ko pa pinangarap na makasama sa isang proyekto, siya ay gaganap bilang si Domingo Zamora, isang convicted killer na pinagbabayaran ang kanyang mga kasalanan sa loob."

"Dumaan ang ilang pag uusap at hindi umubra na mapasali siya sa pelikula…ako ay nag dalawang isip na tanggapin pa ito. Nahirapang maghanap ng ibang artistang papalit sa kanya at kayang gampanan ang komplikadong role ni Zamora."

"Hanggang sa… Isang araw nagpasya sila na ibigay nalang sa akin ang role ni Zamora….unang reaksyon ko… 'kaya ko ba ito?'"

Sey naman ng mga netizen, hindi lamang daw niya kinaya ang portrayal kay Zamora kundi nahigitan pa niya ang expectations, na nagbunga naman sa nakuha niyang parangal.

Samantala, hinulaan naman ng mga netizen kung sino ang tinutukoy na aktor na unang inalok sa nabanggit na role.

Lumilitaw sa comment section ang pangalan ni "John Lloyd Cruz" subalit hindi naman ito kinumpirma ni Dennis.

May mga netizen naman ang nagsabing nakatadhana talaga para sa kaniya ang role ni Zamora.