Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang Surigao del Sur nitong Huwebes ng hapon, Hunyo 19.
Ayon sa Phivolcs, naganap ang lindol sa Marihatag, Surigao del Sur kaninang 4:16 ng hapon, na may lalim na 24 na kilometro.
Tectonic anila ang sanhi ng pagyanig.
Samantala, walang inaasahang pinsala at aftershocks matapos ang lindol.