Maging si Queen of All Media Kris Aquino ay nami-miss na rin ang "dating siya" o mga panahong aktibo pa siya sa showbiz at iba't ibang ganap sa life, at wala pang mga iniindang sakit.
Iyan ang pahayag daw ni Tetay nang makausap siya ng kaibigang journalist na si Dindo Balares.
Napag-usapan nila sa kuwentuhan ang isang edited video ni Sen. Ronald "Bato" Dela Rosa nang sabihin niyang hindi siya lawyer subalit ginagabayan lamang ng Holy Spirit, sa gabi ng pagdedesisyon ng mga senador hinggil sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
"I am not a lawyer, nag-iisip lang. I am just guided by the Holy Spirit," anang senador sa nabanggit na video.
Idinugtong sa video clip ni Sen. Bato ang lumang video clip naman ni Kris habang sinasabi ang pahayag na "I'll wait for the Holy Spirit to guide me. Idinamay ko pa ang Holy Spirit!" habang tinatawanan ang sarili.
Sa pamamagitan daw ng chat ay sinabi ni Kris sa kaniya ang ilang realisasyon sa sarili.
"You were asking me what i believe sets me apart- it’s because i can laugh at the weirdest things that come popping out of my mouth," saad daw ni Kris.
Dagdag pa, "When you can laugh at yourself, winner ka na because having the ability to take life and all its quirks is what keeps one from getting too full of herself. My mom and dad had that. And thank God i also inherited it."
Kinaumagahan, nagpatuloy raw ang kanilang kuwentuhan, at naibahagi ni Kris na ang nag-upload daw ng video nila ni Sen. Bato ay nami-miss na raw siya.
Sey naman ni Kris, ganoon din ang nararamdaman niya para sa sarili.
"I read the comment of the one who posted Sen. Bato and interspersed it with me saying i’ll wait for the Holy Spirit to guide me," sabi raw ni Krisy.
"The one who uploaded said: Nakaka-miss si Krisy."
"Tinamaan ako, kuya Dindo. People do not realize how much i miss the old me…"
"But i am human and it hurts so much."
Natulala na lamang daw si Balares at hindi niya alam ang isasagot. Dito nagtapos ang kaniyang post.
Samantala, ibinahagi naman ng co-host ni Ogie Diaz na si Mama Loi Villarama ang isang latest photo ni Kris kasama ang bunsong anak na si Bimby kamakailan.
"Mukhang nakadalaw si Mama Loi kay Kris subalit hindi na niya idinetalye kung kailan.
"Love love love KCA @krisaquino and Bimb Vitamin Sea is working for her she is in a safe place by the beach, nahihirapan pa rin pero lumalaban wag po maniwala sa mga clickbait at fake news…let’s keep on praying for her po," mababasa sa caption ng post ni Mama Loi.
KAUGNAY NA BALITA: Kris Aquino, nahihirapan pa rin pero lumalaban