Hindi napigilang maluha ng final duo housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition nang muling bumalik sa Bahay ni Kuya ang latest evictees na sina Shuvee Etrata at Klarisse De Guzman o "ShuKla" upang kumustahin ang mga dating kasama.
Agad na niyakap ang ShuKla nina Esnyr, Mika Salamanca, Will Ashley at iba pang housemates, lalo na si Klang, na itinuring na nilang "Nation's Mowm."
Kitang-kita ang pagiging emosyunal nina Esnyr, Mika, at Will nang mayakap na nila si Klarisse. Matatandaang sina Esnyr at Will ang pinakanaapektuhan sa unexpected na pagkaka-evict ng Kapamilya singer.
KAUGNAY NA BALITA: Pagkawala ni Klarisse sa PBB, ramdam ng housemates dahil sa pagluluto
KAUGNAY NA BALITA: Bilang 'Mowm' figure sa PBB: Esnyr, Will emosyunal sa paglabas ni Klarisse
Yumakap din ang duo na "AzVer" sa ShuKla na aminadong nagi-guilty sa ginawa nilang pag-nominate sa dalawa, na naging dahilan daw para lumabas na agad sila.
KAUGNAY NA BALITA: 'Sobrang bigat!' AzVer nagi-guilty kung bakit napalayas ang ShuKla sa PBB
Sinabi naman ni Klarisse na walang dapat ipag-alala ang AzVer dahil ayos lang naman daw sila sa nangyari.
Mananatili pa sa loob ng PBB House ang ShuKla at iba pang ex-housemates, bilang duo challengers sa mga natitirang duo sa loob ng Bahay ni Kuya.