December 16, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Max Collins, namataang naglalakad sa Bohol kasama ang isang 'daddy-type'

Max Collins, namataang naglalakad sa Bohol kasama ang isang 'daddy-type'
Photo courtesy: Screenshots from @hazeltoledo1 (TikTok)

Usap-usapan sa social media ang isang TikTok video ng isang netizen kung saan nakuhanan niya ang paglalakad ni Kapuso actress Max Collins habang tila may kasamang isang lalaking matangkad at kung titingnan ay tila isang "afam."

Ayon sa hashtags na ginamit ng netizen, si Max at ang sinasabing kasama niya ay nagtungo sa Loboc, isang munisipalidad sa lalawigan ng Bohol.

Makikitang twinning pa sa suot na kulay-puting top sina Max at ang kasama niya, at pareho pang naka-shorts.

Sa comment section, napapatanong naman ang mga netizen kung ang nabanggit na lalaki ang bagong jowa ni Max matapos nilang magdiborsyo at maging co-parenting na lamang ng ex-husband na si Pancho Magno.

Tsika at Intriga

Galit na lumayas! Claudine at utol ni Korina, naghiwalay dahil sa kasambahay?

May mga nagsabi namang tila older kay Max ang nabanggit na lalaki, subalit depensa naman ng fans, wala naman daw sa edad ang pagmamahal; at isa pa, mukhang guwapo naman daw ang nabanggit na lalaki kahit na halatang may mas edad daw ito kumpara kay Max.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Max tungkol sa intrigang ito.