Nakapasok sa kauna-unahang pagkakataon ang Adamson University at Mapua University sa QS World University Rankings para sa 2026.
Ayon sa mga ulat, kabilang ang Adamson at Mapua sa tinatayang 112 unibersidad na mga bagong pasok sa nasabing world rankings.
Pasok sa bracket 1,001-1,200 ang Adamson habang nasa bracket 1,401+ naman ang Mapua.
Samantala, nananatili pa rin sa listahan ang University of the Philippines na nasa ranked 362, bagama't bahagyang bumaba ito kumpara sa nakaraang taon na nasa ranked 336.
Tumaas naman sa rank 511 ang Ateneo de Manila University mula sa rank nito noon na 516.
Nasa rank 654 naman ang De La Salle University habang naglalaro naman sa bracket 851-900 ang University of Santo Tomas.
"A clear trend in the rankings this year is the steady rise of institutions in Asia, both in terms of numbers and upward trajectory... Previously, this upward movement in the region has been driven in large part by the research indicators, however Asian universities are increasingly challenging Western institutions in the international student market," anang QS.
Nananatili naman sa Top 1 ang Massachusetts Institutes of Technology (MIT). Habang sumunod naman sa MIT ang Imperial College of London sa rank 2, Stanford University sa rank 3, University of Oxford sa rank 4 at Harvard University sa rank 5.