December 13, 2025

Home SHOWBIZ Events

Daniel Padilla, mas yummy ngayon dahil sa tattoo at bagong hairstyle

Daniel Padilla, mas yummy ngayon dahil sa tattoo at bagong hairstyle
Photo courtesy: Daniel Padilla (IG)

Usap-usapan ng mga netizen ang mas astig na datingan ng Kapamilya star na si Daniel Padilla, na ibinahagi sa social media platform ng Star Magic.

Ibinalita kasi ng Star Magic ang pagdalo ng "Incognito" star sa isinagawang intimate dinner ng Rolling Stone PH Social Club para sa kaniya matapos siyang mai-feature sa May 2025 cover ng isang lifestyle magazine.

Kapansin-pansin ang bagong hairstyle ni DJ pati na ang kaniyang tattoo sa mga braso na nagbigay ng mas manly na look sa kaniya.

Reaksiyon at komento naman ng mga netizen, lalong "yummy" raw ang hitsura niya ngayon na bagay na bagay sa kaniyang "action star" image.

Events

Chelsea Fernandez, inirampa Maranao Sarimanok sa Miss Cosmo 2025

Sa ngayon, wala pang napababalitang bagong babaeng idine-date si Daniel, kabaligtaran naman sa ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo na sinasabing lumalabas-labas kasama si Lucena City Mayor Mark Alcala.