Kinakikiligan ngayon sa social media ang mga kumakalat na video nina Miss Universe Asia Chelsea Manalo at Filipino-American model at basketball player Cole Micek habang magkasama.
Tanong ng mga netizen ay kung nagde-date na raw ba sila dahil kung oo raw, sana ay tuloy-tuloy na dahil bagay na bagay raw sila sa isa't isa.
Isang miron ang nakita silang magkasama sa BGC.
"Spotted @colemicek and the gorgeous @manalochelsea at BGC. Such lovely people on Earth. Di ako nakapag pa picture tho!" mababasa sa caption ng TikTok video.
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag sina Manalo at Micek tungkol dito. Bukas ang Balita sa kanilang panig.