December 14, 2025

Home BALITA Metro

'Boy Dila' sa Wattah Wattah Festival, kulong dahil nanitsit ng babae

'Boy Dila' sa Wattah Wattah Festival, kulong dahil nanitsit ng babae
Photo courtesy: Screenshots from Lexter Castro (FB)/Gian Russel Bangcaray (FB)

Nakabilanggo ang lalaking nag-viral matapos mambasa ng isang rider gamit ang water gun sa naganap na "Wattah Wattah Festival" sa San Juan City noong Hulyo 2024.

Sa ulat ng GMA News, kukumustahin lang sana nila ang tinaguriang "Boy Dila" dahil sa nalalapit na "Basaan" nang mapag-alamang nakakulong pala siya, matapos lumabag sa "Anti-Bastos Law."

Nakakulong umano siya matapos sitsitan ang isang menor de edad na babae, habang siya ay lasing.

Matatandaang mismong si San Juan City Mayor Francis Zamora ang sumuweto kay Boy Dila o Lexter Castro sa totoong buhay matapos kuyugin ng netizens matapos niyang pandilaan ang rider na binasa ng tubig gamit ang water gun.

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

KAUGNAY NA BALITA: 'Boy Dila,' nakaharap na ang binasa niyang rider

KAUGNAY NA BALITA: San Juan City Mayor Zamora at Boy Dila, nagkaharap na

MAKI-BALITA: Viral 'Boy Dila' sa basaan: 'Wag kayo dadaan sa San Juan 'pag June 24!'

Samantala, nagtakda na rin ng "Basaan Zone" ang lokal na pamahalaan ng San Juan para sa nabanggit na festival, upang maiwasan na ang mga reklamo laban sa kanilang kapistahan.