December 16, 2025

Home BALITA Eleksyon

Abante, balik-Kamara matapos niyang kuwestiyonin ‘citizenship’ ng katunggali sa Maynila

Abante, balik-Kamara matapos niyang kuwestiyonin ‘citizenship’ ng katunggali sa Maynila
Photo courtesy: House of Representatives

Muling nagbabalik sa Kamara si Manila 6th district Rep. Bienvenido "Benny" Abante matapos ibaba ng Commission on Elections (Comelec) ang kanilang desisyon sa petisyong inihain niya laban sa kaniyang katunggali sa naganap na National and Local and Elections (NLE).

Batay sa kumpirmasyon ng Comelec noong Miyerkules, Hunyo 18, 2025, tuluyan nilang ibinasura ang kandidatura ni Luis "Joey" Chua Uy na siyang kalaban ni Abante sa pagka-kongresista sa Maynila.

Inihain ni Abante ang kaniyang petisyon na kumukuwestiyon sa citizenship ni Uy bilang isang Pilipino. Sa isang 22 pahina ng rulings ng Comelec, tuluyan nilang idineklara bilang non candidate si Uy kasama ang pagbasura sa kaniyang certificate of candidacy.

Paglilinaw pa ng komisyon, wala na rin daw bisa ang lahat ng botong nakuha ni Uy noong eleksyon. 

Eleksyon

#BalitaExclusives: Malawak na alyansa ng oposisyon vs VP Sara sa 2028 elections, posible nga ba?

"Accordingly, the votes cast in his favor are considered stray and should have not been counted," anang rulings.

Matatandaang lamang si Uy ng mahigit isang libong boto matapos siyang makakuha ng 64,746 votes laban kay Abante na nakakuha lamang ng 63,358.

Saad pa ng nasabing rulings ng Comelec, "Respondent’s proclamation should thus be annulled leaving petitioner the only qualified candidate who obtained the highest number of votes for the position of member, House of Representatives in the 6th District of the City of Manila."

Samantala, maaari pa raw maghain ng petisyon si Uy laban sa nasabing desisyon ng Comelec.