December 13, 2025

Home BALITA

‘100 araw sa ICC' Rep. Pulong Duterte, nanindigang hindi kriminal si FPRRD

‘100 araw sa ICC' Rep. Pulong Duterte, nanindigang hindi kriminal si FPRRD
Photo courtesy: Paolo Duterte/Facebook

Ginunita ni Davao 1st district Rep. Paolo "Pulong" Duterte nitong Huwebes, Hunyo 19, 2025 ang ika-100 araw na pananatili sa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) ng kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang Facebook post nitong Huwebes, Hunyo 19, iginiit ni Pulong na hindi raw isang kriminal ang kaniyang ama na ilegal na inaresto.

"Today marks 100 days since my father, former president Rodrigo Roa Duterte, was unjustly taken and held in detention in The Hague," ani Pulong.

Dagdag pa niya, "He is not a criminal. He is a man who gave his life to serve this nation, who walked the most difficult paths so that we may live in peace, free from fear, far from his people."

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Kasalukuyang nasa detention center ng ICC si dating Pangulong Duterte matapos siyang maaaresto noong Marso 11 dahil sa kasong crimes against humanity kaugnay ng kaniyang naging madugong kampanya kontra droga.

KAUGNAY NA BALITA: Confirmation of charges hearing para kay FPRRD, itinakda ng ICC sa Sept. 23, 2025

Samantala, hiniling din ng kongresista sa taumbayan na huwag daw sanang makalimutan ang kaniyang ama.

"To every Filipino across the world, I ask you, from the deepest part of my heart, let us not forget him. Let us remember not just the leader, but the man---the father, the friend, the patriot who never turned his back on us," saan ni Pulong.

Sa Setyembre 23 nakatakdang humarap si dating Pangulong Duterte para sa confirmation of charges. Bago nito, nauna ng naghain ng interim release ang kanyang kampo para sa pansamantalang paglaya.

KAUGNAY NA BALITA:  Confirmation of charges hearing para kay FPRRD, itinakda ng ICC sa Sept. 23, 2025

KAUGNAY NA BALITA: FPRRD, humiling na ng interim release; may bet ng puntahan na bansa