Nagbigay ng reaksiyon at komento si dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque sa balitang humarap si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr, sa harapan ng Grade 1 pupils sa Epifanio Delos Santos Elementary School (EDSES) sa Malate, Maynila noong Lunes, Hunyo 16, at tila naging "classroom teacher" sa kanila.
Kasama si Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara, ininspeksyon ni PBBM ang paaralan at kinumusta ang mga guro, magulang, kawani, at mga mag-aaral sa pagbubukas ng mga klase para sa school year 2025-206.
KAUGNAY NA BALITA: Teacher era? PBBM, 'nagturo' sa Grade 1 pupils
Buwelta ni Roque kay PBBM, "Unang araw ng pasukan. Feel na feel ni Marcos Jr. maging Classroom Teacher. Partida dropout pa iyan at walang college degree," aniya.
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si PBBM o ang Palasyo tungkol dito.