December 12, 2025

Home BALITA Metro

PBBM, bumisita sa nasunog na paaralan sa QC, may atas sa DPWH

PBBM, bumisita sa nasunog na paaralan sa QC, may atas sa DPWH
Photo courtesy: Bongbong Marcos (FB)

Nagtungo si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. sa San Francisco High School sa Quezon City upang tingnan ang napinsala rito matapos magkaroon ng sunog.

Sa kaniyang Facebook post, Miyerkules, Hunyo 18, sinabi ng Pangulo na inatasan na niya ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na agad na magpatayo ng mas ligtas, mas maayos, at mas malaking gusali para sa nabanggit na pampublikong paaralan sa high school.

"Inatasan ko ang DPWH na agad simulan ang pagpapatayo ng mas ligtas, mas malaki at mas maayos na gusali ng San Francisco High School," aniya.

"Pinatitiyak ko rin ang pagsuri at pag-upgrade ng electrical systems sa lahat ng paaralan sa bansa para maiwasan ang ganitong insidente."

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

"Papalitan natin ang lahat ng nawala at patuloy nating susuportahan ang mga estudyante at guro para hindi mahinto ang pag-aaral at pagtuturo," dagdag pa ng Pangulo.

Naispatang kasama niyang nag-inspeksyon dito si Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara. 

Sa pagbubukas ng mga klase noong Lunes, Hunyo 16, nagsadya ang dalawa sa Epifanio Delos Santos Elementary School (EDSES) sa Malate, Maynila. 

KAUGNAY NA BALITA: Teacher era? PBBM, 'nagturo' sa Grade 1 pupils