December 13, 2025

Home BALITA Politics

Pagiging impartial bilang senator-judge, klaro kay Hontiveros

Pagiging impartial bilang senator-judge, klaro kay Hontiveros
Photo Courtesy: Risa Hontiveros (FB), Mark Belmores/MB

Malinaw para kay Senator Risa Hontiveros na wala siyang kikilingan bilang senator-judge sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa flagship midday newscast na “Dateline Philippines” ng ANC nitong Miyerkules, Hunyo 18, inusisa si Hontiveros kung ano ang masasabi niya sa mga taong patuloy na naniniwalang hindi siya magiging impartial hinggil sa impeachment trial.

“Gaya ng napapag-usapan natin kani-kanina lang, klaro din sa aming lahat at klaro sa akin ‘yong obligasyon na ang ido-don ay hindi lang ‘yong robe kundi ‘yong pananaw; ‘yong mind space na impartial senator-judge na ni wala pang isang ebidensya, ni wala pang isang testigo na napapakinggan namin,” saad ni Hontiveros.

Dagdag pa niya, “We will get into that. I hope, I really hope very strongly in the coming days, or weeks, or months.”

Politics

'Ninakaw nila ang Pasko!' Sen. Imee, ibinalandra pulang bag na buwaya

Matatandaang sa isang video message noong Martes, Hunyo 17, sinabi ni Hontiveros na inaasahan umano niyang gagawin ng mga kapuwa niya senador ang kanilang tungkulin sa impeachment trial—kritiko o kakampi man ni VP Sara.

MAKI-BALITA: Kakampi o kritiko: Mga senador dapat gawin ang tungkulin sa impeachment trial ni VP Sara — Hontiveros