Nagbigay ng payo si showbiz insider Ogie Diaz sa ina ni social media personality Zeinab Harake na si Mariafe Ocampo.
Matatandaang usap-usapan sa social media ang kumalat na Facebook comment ni Mariafe na hindi umano siya pinapasok sa venue ng kasal ni Zeinab sa jowa nitong si Bobby Ray Parks, Jr. na ginanap sa Tagaytay.
Sa latest episode ng “Showbiz Updates” kamakailan, sinabi ni Ogie na magsuri sana si Mariafe dahil baka may nagawang pagkakamali.
“Baka puwedeng i-analyze nang maigi, ‘no. Baka naman mayro’n kang pagkakamali,” saad ni Ogie.
Dagdag pa niya, “Kasi kung maayos ‘yong relasyon talaga, nando’n ‘yong presensya ng nanay. Ewan ko, ha. Malakas lang ‘yong kutob ko na may ginawa ‘yong nanay.”
Hindi naman naiwasang ihalintulad ni Ogie kina Carlos Yulo at Chloe San Jose ang sitwasyon nina Zeinab at Ray.
“Mas pinili ni Carlos na si Chloe na makasama. Mas pinili na Carlos na, ‘Sandali, malaki na ako. Ayaw ko na ng stress, ayaw ko ng toxic, magsasarili na muna ako,” aniya.
Pero sa ngayon, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag sina Zeinab at Ray tungkol sa sinabi ni Mariafe.