December 13, 2025

Home BALITA

OFW sa Saudi, natagpuang patay sa disyerto

OFW sa Saudi, natagpuang patay sa disyerto
Photo courtesy: Pexels

Isang 30 taong gulang na Overseas Filipino Worker (OFW) ang natagpuang patay sa disyerto sa Saudi Arabia matapos siyang maiulat na nawawala.

Ayon sa mga ulat, magkaiba umano ang nakikitang sanhi ng pamilya ng biktima at sa sinasabi raw ng awtoridad sa Saudi hinggil sa insidente.

Sa panayam ng media sa pinsan ng biktima, hinihinala raw kasing ninakawan at saka pinatay bago itapon sa disyerto dahil hindi na natagpuan ang ilang mga gamit nito na kaniyang dala noong siya ay nawala—bagay na pinabulaanan naman ng mga awtoridad sa nasabing bansa at naglabas ng pormal na ulat na na-hit and run daw ang biktima sa kahabaan ng King Salman Eastbound Road.

Tukoy na raw ng mga awtoridad sa Saudi ang plate number at driver na itinuturong suspek sa pananagasa sa biktima.

Truly blessed! VP Sara, thankful sa mga DDS na alam ang paninira at katotohanan

Patuloy na ang pakikipag-ugnayan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Saudi Arabia upang makahingi raw ng kopya ng CCTV na makakapagpatunay sa sinapit ng biktimang OFW.

Hustisya naman ang sigaw ng naulilang pamilya ng biktima mula sa Jolo sa Sulo lalo na’t siya raw ang panganay sa kanilang magkakapatid.