December 21, 2025

Home BALITA National

Obispo ng Simbahang Katolika, umapela ng panalangin para sa kapayapaan sa Gitnang Silangan

Obispo ng Simbahang Katolika, umapela ng panalangin para sa kapayapaan sa Gitnang Silangan

Umaapela ng panalangin ang isang obispo ng Simbahang Katolika sa mga mamamayan para makamit na ang kapayapaan sa Gitnang Silangan.

"With a heavy heart, I appeal to all the faithful in the Diocese of Tagbilaran to offer daily prayers and personal sacrifices for peace in the Middle East, especially for the cessation of the escalating conflict between Israel and Iran," panawagan ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy, chairman ng Episcopal Commission on Youth (ECY) ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Ayon kay Uy, ang digmaan ay nagdudulot lamang ng labis na pagkawasak ng pamayanan at pagdurusa ng mga mamamayang apektado lalo na sa mga inosenteng sibilyan at mga bata.

Isa aniya sa mga epekto ng digmaan ang pagkasira ng mga pamilya, mga paaralan at lugar dalanginan kung saan nagbubuklod ang tao para sa paghuhubog at pagpupuri sa Diyos.

National

'Huwaran ng integridad!' House Speaker Bojie Dy, nakiramay sa pagpanaw ni Rep. Romeo Acop

Giit niya, hindi lamang sa Middle East nararamdaman ang epekto ng digmaan kundi maging sa buong mundo.

"The violence is breeding deeper hatred and division, and its effects are being felt not just in the region, but across the world, threatening the stability of many nations and the lives of countless peoples," aniya pa.

Nanindigan rin ang obispo na sa gitna ng mga karahasang nangyayari sa mundo ay nanatiling matibay na sandata ang mga panalangin at tungkulin ng bawat kristiyano ang maging instrumento ng kapayapaan sa lipunan sa pamamagitan ng mataimtim na pagdulog sa Diyos kasama ang Mahal na Birheng Maria ang Reyna ng kapayapaan.

Naniniwala ang pastol na sa sama-samang pananalangin at sakripisyo ng mananampalataya ay mahipo ang puso ng mga lider ng magkatunggaling mga bansa upang magkaroon ng dayalogo tungo sa pagkakasundo.

"I encourage every family, every parish, every religious community in our diocese to include in their daily intentions this prayer for peace. Let our daily Rosaries, Holy Masses, and personal offerings rise like incense before God, pleading for mercy and healing for our broken world," dagdag pa niya.

Paanyaya pa ng obispo sa mananampalataya, huwag mapagod sa pagdulog sa Panginoon para sa kapayapaan at kaayusan ng sanlibutan.

Batay sa ulat, nagpapatuloy ang paglala ng giyera sa pagitan ng Israel at Iran, na nagresulta na sa pagkasawi ng daan-daang indibidwal at pagkasira ng mga ari-arian.