December 14, 2025

Home BALITA National

LPA sa loob ng PAR, 'unlikely' na maging bagyo

LPA sa loob ng PAR, 'unlikely' na maging bagyo
(DOST-PAGASA)

Kasalukuyang may binabantayan na low pressure area (LPA) ang PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR), Miyerkules, Hunyo 18.

Sa ulat ng PAGASA, as of 8:00 a.m. ngayong Miyerkules ay may namataang LPA sa coastal waters ng Bolinao, Pangasinan. 

Ito raw ay "unlikely" na maging tropical depression o bagyo sa susunod na 24 na oras. 

Samantala, ayon sa Rainfall Advisory ng PAGASA as of 11:00 a.m., makararanas ng mahina hanggang katamtaman na pag-ulan ang Tarlac, Pampanga, Bulacan, at Laguna.

National

Sen. Robin, 'di na trip tumakbo sa Halalan 2028

Mahina hanggang katamtaman na may paminsan-minsang malakas na pag-ulan ang nararanasan naman sa Bataan, Zambales (Botolan, Cabangan, San Felipe, San Narciso, San Antonio, Subic, San Marcelino, Castillejos, Olongapo), Nueva Ecija (Pantabangan, San Jose, Lupao, Carranglan, Bongabon, Rizal, Laur, Gabaldon, General Tinio, Munoz, Llanera, Talavera, General Mamerto Natividad, Palayan, Cabanatuan, Penaranda, Santa Rosa) at Quezon (General Nakar, Infanta, Real), na maaari ring makaapekto sa kalapit na mga lugar.