Nagbigay ng update si "Mama Loi Villarama" hinggil sa kasalukuyang lagay ni Queen of All Media Kris Aquino na nagpapagaling pa rin sa kaniyang sakit.
Sa kaniyang Instagram post noong Martes, Hunyo 17, ibinida ni Mama Loi na co-host ni Ogie Diaz sa entertainment vlog niyang "Ogie Diaz Showbiz Update," ang larawan ni Kris habang nakahiga sa kama at kasama ang anak na si Bimby, na busy naman sa laptop.
Mukhang nakadalaw si Mama Loi kay Kris subalit hindi na niya idinetalye kung kailan.
"Love love love KCA @krisaquino and Bimb Vitamin Sea is working for her she is in a safe place by the beach, nahihirapan pa rin pero lumalaban wag po maniwala sa mga clickbait at fake news…let’s keep on praying for her po," mababasa sa caption ng post ni Mama Loi.
Samantala, kamakailan naman ay nagbahagi rin ng updates tungkol kay Kris ang kaibigan niyang journalist na si Dindo Balares.
Kalakip ng kaniyang Instagram post ang isang larawan ni Kris habang nakaupo sa kama.
Ayon kay Balares, marami raw silang napagkuwentuhan ni Kris, at pumayag daw ang huli na maisulat niya at i-share sa lahat.
"'Nakita mo na ang kalbaryo ko, Kuya Dindo,'" saad daw sa kaniya ni Kris.
"Ito ang marahan at mahinang sabi ni Kris habang nakahiga at inaalalayan ko siyang maiayos ang lapat ng kanyang ulo sa unan."
"Nasa gitna kami ng isa sa aming mga pag-uusap nang samahan ko siya for 10 days sa kanyang paninirahan sa private resort ng kanyang generous at maalagang family friends."
"Marami kaming mga napagkuwentuhan, at humingi ako ng permiso na isulat at i-share sa kanyang loyal followers pati na pictures."
"Pumayag si Krisy."
"Hindi man sinasadya ni Kris, binigyan niya ako ng biggest lessons sa buhay na ito habang inaalagaan siya," saad naman ni Balares.
KAUGNAY NA BALITA: Kris Aquino sa kaibigang journo: 'Nakita mo na ang kalbaryo ko!'