January 31, 2026

Home BALITA

Kabataang lango raw sa alak, nag-road trip, bumangga sa isa pang sasakyan; 3 patay!

Kabataang lango raw sa alak, nag-road trip, bumangga sa isa pang sasakyan; 3 patay!
Photo courtesy: Contributed photo

Tatlo ang kumpirmadong patay kabilang ang isang buntis matapos ang salpukan ng isang van at kotse sa Bypass Road, Brgy. Zambal, Tagaytay City.

Ayon sa mga ulat, patay ang tatlong sakay ng kotse kabilang ang isang buntis, driver at isa pang sakay nito, habang agad namang naisugod sa ospital ang walong kabataang sakay ng van.

Hinala ng mga awtoridad, nasa ilalim umano ng impluwensya ng alak ang mga kabataang pawang nasa edad 17 hanggang 18 taong gulang na posible raw nag-road trip matapos ang kanilang graduation.

“Nag-inom tapos nag-road trip, kakagraduate lang ng high school” ani PLtCol. Jefferson Ison, hepe ng Tagaytay City Police Station.

₱100M, ₱10M, ibinalang danyos ni Rep. Leviste laban kay Usec.Castro

Papunta na raw sana ng ospital ang kotse upang ihatid ang buntis na pasahero nito nang sakupin ng van na sinasakyan ng mga kabataan ang kabilang linya ng kalsada—dahilan upang magsalpukan ang dalawang sasakyan.

Mahaharap sa kasong multiple counts of homicide, physical injuries at damage to property ang 18-anyos na driver ng van na kasalukuyan pa ring nasa ospital.