December 13, 2025

Home SHOWBIZ Teleserye

Hindi nababakante! KimPau bibida sa seryeng 'The Alibi'

Hindi nababakante! KimPau bibida sa seryeng 'The Alibi'
Photo courtesy: Star Magic (FB)

Mukhang pagkatapos ng "Linlang" at Philippine adaptation ng "What's Wrong With Secretary Kim," ay muling magpapakilig ang magkatambal na sina Kim Chiu at Paulo Avelino para sa isang teleserye sa ilalim ng Dreamscape Entertainment.

Ang working title ng proyekto ay "The Alibi," batay sa inilabas na post ng social media accounts ng Star Magic. 

"Every detail counts May hindi sila sinasabi… and we’re about to find out. #THEALIBI coming soon!" mababasa sa caption ng Instagram post. 

Ang scriptwriter nito ay si Danica Mae Domingo at ang mga direktor naman ay sina FM Reyes at Jojo Saguin, na mga direktor din nila sa Linlang. 

Teleserye

'Buti nagbabasa muna ako' Pagtsugi kay Boboy Garrovillo sa Sang'gre, nagdulot ng kaba

Batay sa mga larawan ay mukhang gaganap sila rito bilang news reporter, at in fairness, nagpalit ng hairstyle niya rito si Kimmy ha!

Excited na nga ang KimPau sa paandar ng isa sa mga unexpected loveteam na in-demand ngayon sa mga netizen.

"This is a game changer! This project is something to look forward to."

"Malakas ang demand. Meaning marami kaming fans na nakasupota sa projects ng KimPau! At xempre napkagaling at versatile n artista nung dalawa! Bukod pa yan sa magandang work ethics nila. Gugustohin silang makatrabaho ng mga producers, directors at kapwa artista."

"Wow grabe to, mukang maganda...may pagka suspense...Hoping makasama sa cast si bestie Darren sa new series ng kimpau. Make it happen."

"Excited na kami!"

"Grabeng pasabog nkakaexcite tuloy."

Samantala, wala pang detalye kung kailan magsisimula ang taping ng serye.