December 12, 2025

Home BALITA

Duterte Youth, kanselado na bilang party-list

Duterte Youth, kanselado na bilang party-list
Photo Courtesy: via MB

Kinansela na ng Commission on Elections (Comelec) ang registration ng Duterte Youth bilang isang party-list.

Ayon sa ulat nitong Miyerkules, Hunyo 18, nakakuha ng 2-1 na boto ang Duterte Youth upang mapawalang-bisa ang rehistro nito.

Pero nilinaw naman Comelec Chairman George Garcia na hindi pa umano pinal ang desisyon at maaari pang maghain ng motion for reconsideration ang Duterte Youth.

"Ang decision ng Comelec division ay magiging final lang and executory 5 araw pagkalabas nitong decision,” saad ni Garcia.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Dagdag pa niya, “Mayroon pang remedy at ‘yan ay pang-unang proseso na kailangang i-resolve ng Comelec division after almost 5 years na naka-pending ang kaso.”

Matatandaang naantala ang proklamasyon ng Duterte Youth Partylist nang manalo ito sa eleksyon noong Mayo 12 dahil sa mga petisyong nakabinbin laban dito.

KAUGNAY NA BALITA:  Duterte Youth, BH Party-list, naudlot proklamasyon para sa 20th Congress

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang pahayag o reaksiyon ang kampo ng Duterte hinggil sa nasabing isyu.