December 15, 2025

Home BALITA National

DOH-DepEd, magko-collab para masugpo HIV sa mga bagets

DOH-DepEd, magko-collab para masugpo HIV sa mga bagets
Photo courtesy: via MB

Magsasanib-puwersa ang Department of Health (DOH) at Department of Education (DepEd) upang mapigilan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa kabataan.

Batay sa isinagawang joint field assessment, ito raw ang napagkasunduan ng mga kalihim ng kagawaran na sina DOH Secretary Teodoro Herbosa at DepEd Secretary Sonny Angara nitong Miyerkules, Hunyo 18.

Ayon kay Herbosa, nag-align na raw sila sa curriculum para maituro na ang tungkol sa HIV at kung paano ito maiiwasan.

Matatandaang sa datos ng DOH, sinasabing marami sa kabataan ang tinatawag na "living with HIV," at ang pinakabatang naitalang mayroon nito ay 12-anyos.

National

PBBM sa umatakeng Chinese vessels sa mga mangingisdang Pinoy: 'Unahin ang kaligtasan ng ating mga kababayan!'

KAUGNAY NA BALITA: HIV cases sa mga kabataan, tumaas ng 500%; pinakabata, 12-anyos!

Sinasabi rin na ang pinakamarami nito ay nakukuha sa pakikipagtalik ng lalaki sa kapwa niya lalaki.

KAUGNAY NA BALITA: 95% pagsirit pataas ng HIV cases, bembangan ng lalaki sa lalaki