December 13, 2025

Home SHOWBIZ Teleserye

'Dalawang taong puno ng pagsusumikap! Bianca, proud sa kapwa mga sang'gre

'Dalawang taong puno ng pagsusumikap! Bianca, proud sa kapwa mga sang'gre
Photo courtesy: Screenshots from Bianca Umali (IG)

Pinusuan ng mga netizen ang appreciation post ni Kapuso actress Bianca Umali matapos niyang ibida ang larawan nila nina Faith Da Silva, Angel Guardian, at Kelvin Miranda—mga kasama niya sa pagganap bilang mga bagong sang'gre sa "Encantadia Chronicles: Sang'gre."

Ayon kay Bianca, matapos daw ang dalawang taon, heto't umeere na nga ang kanilang iconic fantaserye na nagsimula na sa pilot episode noong Lunes, Hunyo 16.

MAKI-BALITA: Brilyante ng Sang'gres umarangkada na ang powers, rumesbak kay Tanggol

"'Basta sama sama tayo, kakayanin natin ang lahat.'" ani Bianca.

Teleserye

'Buti nagbabasa muna ako' Pagtsugi kay Boboy Garrovillo sa Sang'gre, nagdulot ng kaba

"Matapos ang dalawang taong puno ng pagsusumikap, sakripisyo, at pagmamahal, narito na ang sandaling ating pinakahinhintay."

"Ngayon, hindi lang isang palabas ang aming ihahandog—kundi ang aming buong puso at kaluluwa."

"Para sa aking mga kapwa Sang’gre - Faith, Angel at Kelvin - ito ang bunga ng ating pagkakaisa, lakas, at walang hanggang paniniwala. Nawa’y maging inspirasyon at liwanag tayo sa bawat pusong makakapanood."

"Proud ako sa inyo at mahal ko kayo. Itaga ninyo sa bato yan," aniya pa.

Mababasa naman sa comment section ang komento ni "Danaya" na si Sanya Lopez.

"Ito na yun aking anak! Congratulations sa inyo! Ivo Live Terra at aking mga Hadia Flamarra, Deia at Adamus," aniya.