Viral ang Facebook post ng isang netizen matapos niyang may mapansin sa isang eksena sa "Encantadia Chronicles: Sang'gre" habang nangangabayo ang mga sang'gre.
Sa pilot episode kasi ng iconic fantaserye, nakipaglaban ang apat na orihinal na sang'gre na sina Kylie Padilla (Amihan), Sanya Lopez (Danaya), Gabbi Garcia (Alena), at Glaiza De Castro (Pirena) sa giant monster na parang isang dragon.
Ang tagpuan ay sa isang mabuhanging lugar.
"Encantadia pero may bakas ng gulong ng mga 4x4" mababasa sa caption ng post.
Napansin nga ng mga netizen na parang may bakas daw ng gulong ng 4x4 car ang buhangin.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens:
"Syempre dun nakasakay yung camera eh."
"4-wheel horse carriage"
"Basta Pinoy perfectionist puro kamukha naman ni imaw"
"Kakahiya naman sa mga bashers dito. Ang peperfect nyo po. I-compare nyo nman sa gawa na fantaserye ng ibang network, malayo-layo pa rin quality ng Encantadia. Wag kayong manood mga acclah kung bothered na bothered kayo."
"Hindi man lang nag effort mag edit sa tire marks heheh"
"Basta gawang GMA hahaha..."
"Baka nasa ibang dimension lang sila pero same world tayo. (Kidding aside, dapat nga inedit nila yan kasi nde naman school production ang ginagawa nila. Paano yan mailagay sa Netflix kung maraming basic flaws agad.)"
"Ok lang iyan, small details lang naman 'yan, pero let's appreciate kung gaano kaganda 'yong production."
Matatandaang ayon sa datos na inilabas ng GMA Network, tinalo ng pilot episode ng Sang'gre ang katapat nitong action-drama series na "FPJ's Batang Quiapo" ni Coco Martin.
MAKI-BALITA: Brilyante ng Sang'gres umarangkada na ang powers, rumesbak kay Tanggol
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang pamunuan ng GMA o ang nasa likod ng production team tungkol dito.