December 13, 2025

Home BALITA

Nabokya niyang asylum application, usapang marties lang!—Roque

Nabokya niyang asylum application, usapang marties lang!—Roque
Photo courtesy: Contributed photo, RTVM

Pumalag si dating Presidential Spokesperson Harry Roque sa pahayag ng Department of Justice (DOJ) patungkol sa kaniyang asylum application.

Sa isang Facebook post nitong Miyerkules, Hunyo 18, 2025, itinanggi ni Roque na na-deny raw ang kaniyang asylum application sa Netherlands.

“Strike two na ang DOJ Secretary. Una, sinabi niya mayroon daw akong multiple passports. Ngayon, denied asylum. Ano ito? Nakalap ang impormasyon sa usapang Maritess,” ani Roque.

Matatandaang nitong Miyerkules din nang ihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na nagtago na raw sa Germany si Roque matapos ibasura ng Netherlands ang kaniyang asylum application.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

“Ang alam ko ‘di siya nabigyan ng asylum sa Netherlands kaya nasa Germany,” ani Remulla sa media.

Paglilinaw naman ni Roque, nagpunta lamang daw siya sa Germany para bumisita sa Filipino community.

“My trip to Germany was a pre-planned activity. Together with Maharlika, the visit was upon the invitation of the Filipino community in Germany, where I administered the oath-taking of the proud members of the Hakbang ng Maisug Germany,” giit ni Roque.

Matatandaang si Roque ay ikinokonsiderang nagtatago sa batas matapos maglabas ang Angeles City Regional Trial Court (RTC) Branch 118 laban kay Roque at Cassandra Ong  dahil sa umano’y human trafficking kaugnay ng mga operasyon ng isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Pampanga.

KAUGNAY NA BALITA:  Harry Roque, pinaaaresto ng Angeles court dahil sa umano’y human trafficking kaugnay ng POGO