December 13, 2025

Home BALITA

17 mayor at iba pang lokal na opisyal ng Pilipinas, stranded sa giyera sa Israel

17 mayor at iba pang lokal na opisyal ng Pilipinas, stranded sa giyera sa Israel
Photo courtesy: Pexels, AP news

Kinumpirma ni Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss na ilang opisyal sa lokal na pamahalaan ng Pilipinas ang naipit sa Israel kasunod ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Israel at Iran.

Ayon sa pahayag ni Fluss noong Martes, Hunyo 17, 2025, nasa 22 local government officials ang na-stranded sa Israel na binubuo ng 17 mayor at at limang local government representatives.

“About 17 mayors and local government representatives, then a few from the dairy industry. So altogether, we have 22 in Israel. I have to say that from what I see, they are feeling okay,” saad ni Fluss.

Samantala, ayon naman sa Philippine Embassy sa Tel Aviv, ang nasabing 17 alkalde ay nasa Israel para sa isang agricultural technology training na nagsimula pa raw noong Hunyo 10 na nakatakda naman magtapos sa sana sa Hunyo 20. Habang ang ibang opisyal naman ay pawang dairy industry specialists mula sa Department of Agriculture.

Parachute ng skydiver, sumabit sa traffic light; muntik na mabigti!

Dagdag pa ni Fluss, “All of them have been taken care of by the Israeli government, and we are also looking for ways to send them back to the Philippines. This is our responsibility and our commitment.”

Matatandaang mag-iisang linggo na nang magsimula ang palitan ng missile attacks ng Israel at Iran kung saan isang Pinoy na ang naiulat na nasa kritikal na kondisyon bunsod ng mga pang-aatake. 

KAUGNAY NA BALITA: Pinoy sa Israel, kritikal kondisyon dahil sa missile ng Iran