December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Sobrang bigat!' AzVer nagi-guilty kung bakit napalayas ang ShuKla sa PBB

'Sobrang bigat!' AzVer nagi-guilty kung bakit napalayas ang ShuKla sa PBB
Photo courtesy: Screenshots from Pinoy Big Brother (YT)

Inamin ng magka-duo na sina AZ Martinez at River Joseph na tila nakakaramdam sila ng guilt sa pag-nominate nila kina Shuvee Etrata at Klarisse De Guzman o "ShuKla" na naging dahilan kung bakit sila ang evicted sa pinaka-recent na eviction night ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Naganap ang pag-amin sa pagbisita ng evicted duo na sina Vince Maristela at Xyriel Manabat, bilang bahagi ng pagiging "house challengers."

"Ater eviction night sobrang bigat sa'kin, honestly I blame myself kung bakit umalis si Ate Klang and Shuvee," anang AZ.

"And until now sobrang laki pa rin ng guilt and I don't know if I'll ever get over it. Dadalhin ko siya hanggang sa paglabas."

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

"Mabigat kasi we really expecting, akala namin ni River na kami na talaga aalis, we were preparing ourselves and we're ready for it."

Paliwanag naman ni River, "Feeling ko talaga ako 'yong rason kung bakit sila umalis. Harap-harapan ang nominasyon eh, tapos kami lang ang nagbigay ng puntos sa kanila. And until now 'yon talaga ang tumatakbo sa utak ko, 'yong guilt..."

Matatandaang binigyan ng tatlong puntos ng AzVer ang ShuKla sa naganap na harapang nominasyon na naging dahilan kung bakit napabilang ang duo sa mga nominado.

Nakaligtas naman sa eviction ang AzVer at isa pang nominated duo na "DustBi" o duo nina Dustin Yu at Bianca De Vera.

KAUGNAY NA BALITA: ShuKla, out na sa Bahay ni Kuya!

Kung bibigyan daw ng pagkakataon, ay nais daw makausap ni AZ at River ang ShuKla at humingi ng tawad sa kanila, dahil akala raw nilang dalawa, ay sila na ang lalabas sa Bahay ni Kuya.

Pero unexpectedly nga, ShuKla ang na-evict na ikinalungkot naman nang sobra ng mga "anak" ni Klarisse na sina Esnyr, Mika Salamanca, Brent Manalo, at Will Ashley.

Pero magkikita-kita pa naman sila dahil muling papasok sa Bahay ni Kuya ang 10 evicted housemates para maging duo house challengers.

KAUGNAY NA BALITA: ShuKla, reresbak? 10 Duo House Challengers, papasok sa Bahay ni Kuya