Kinakiligan ng mga netizen ang ibinahaging larawan ng social media personality na si Zeinab Harake matapos niyang ibida ang paliligo nila sa bathtub ng mister na si Filipino-American basketball player na si Bobby Ray Parks, Jr.
Bahagi ang larawan ng kaniyang "Father's Day" post noong Linggo, Hunyo 15. Inilarawan ni Zeinab si Bobby Ray bilang "pinakagreen flag" na asawa.
"Happy father's day sa pinaka green flag kong asawa we love you so so much."
"First father's day na hindi na ako yung binabati dahil meron na kaming ikaw," anang Zeinab sa kaniyang Facebook post.
"Naeskandalo" naman ang mga netizen sa bathtub scene nilang mag-asawa.
"No bathtub left the group"
"New wishlist: bathtub"
"Saving for that bathtub, I deserve it"
"Grabehan na talaga 'to Zeinab hahaha."
Matatandaang kamakailan lamang ay pinag-usapan ang napakabonggang wedding ng dalawa na tinatayang aabot daw sa milyong piso ang halaga ng ginastos, magmula sa venue hanggang sa reception.