December 14, 2025

Home BALITA Internasyonal

Habang naka-live broadcast: Iran state TV network, binomba ng Israel

Habang naka-live broadcast: Iran state TV network, binomba ng Israel
Photo courtesy: Screenshots from RNA News Agency via GMA News (FB)

Binomba ng Israel ang state TV station ng Iran habang naka-live broadcast ito. 

Sa ulat ng international news outlets, makikitang habang nag-uulat ang female broadcaster nang live ay bigla na lamang may sumabog sa studio at makikita ang liparan ng mga debris.

Agad namang umalis sa kaniyang kinauupuan ang broadcaster at makikitang nawalan ng ilaw sa kinalalagyang studio.

Isang Israeli aircraft umano ang nagpasabog sa Islamic Republic of Iran Broadcasting (IRIB) sa Tehran, kaugnay pa rin sa tumitinding hidwaan sa pagitan ng Israel at Iran. 

Internasyonal

Japan, niyanig ng magnitude 6.7 na lindol; tsunami advisory, inisyu

Isang staff member daw ng network ang napaulat na namatay dahil sa nabanggit na pag-atake.